Kidnappers vs pulisya: 1 patay, 1 grabe
September 3, 2002 | 12:00am
Isang kidnaper ang iniulat na nasawi, habang isa pa ang sugatan at apat pa nilang kasamahan ang naaresto makaraang makipagsagupa sa mga tauhan ng pulisya sa Intramuros, Manila, kahapon.
Iniharap nina Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at Manila Mayor Lito Atienza ang mga nadakip na suspects na sina Michael Bautista, 40; Ramil Zafra, 38; Boyet Ramos, 38, at Joseph Indio, 35.
Samantalang isa pa nilang kasamahan na nagngangalang Junior ang iniulat na nasawi at isang nagngangalang Fer ang malubhang nasugatan.
Batay sa ulat ng pulisya, ang biktimang si Richard dela Cruz, 30, empleyado ng Bank of Commerce ay nilapitan umano ng isa sa mga suspect. Sapilitang isinakay ang biktima sa isang kulay puting KIA Besta van kung saan dito siya inimbestigahan dahil umano sa pagkakasangkot sa isang drug trafficker na kanya namang pinabulaanan.
Sa loob ng van kinuha ng mga suspect ang mamahaling kagamitan ng biktima kabilang ang cellphone, P1,500 cash at maging ang dalawang ATM cards nito.
Nang makita pa ng mga suspect ang ATM card ng biktima ay sinamahan pa nila ito na magtungo sa Intramuros at dito pinagwi-withdraw siya ng pera.
Patungo na sila sa banko nang masalubong nila ang isang mobile car na sumunod sa kanila.
Upang hindi na makalapit pa mabilis na sinalubong ng putok ng baril ng mga kidnapper ang tropa ng pulisya.
Bunga ng pagkakagulo ay sinamantala ng biktima ang pagtakas sa mga suspect.
Nang humupa ang putukan, isa sa mga kidnapper ang humandusay, habang isa pa ang sugatan. Nagresulta rin ito sa pagkaaresto sa apat pang suspects. (Ulat ni Grace dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended