^

Metro

Anti-Drug TF sa Pasay, itinatag

-
Upang mailayo ang mga kabataan sa panganib na dulot ng droga ay nakatakdang maglunsad ng Anti-Drug Task Force campaign ang bagong halal na Sangguniang Kabataan Chairman ng Pasay City.

Pangungunahan ni SK Chairman Paolo Alcera ang naturang kampanya kaugnay ng pagbibigay impormasyon sa mga magulang at upang maiiwas ang kabataan na malulong sa droga. Gayundin, pag-aaralan sa programa ang pagbibigay ng alternatibong pagkaka-abalahan ng mga kabataan na hahamon sa kanilang kakayahan upang maging produktibo sa kanilang mga sarili.

Ayon kay Alcera, suportado ng alkalde ng lungsod na si Wenceslao "Peewee" Trinidad ang programa kasabay ng pagbibigay nito ng direktiba sa pagpapalabas ng pondo upang matustusan ang Anti-Drug Abuse Seminar sa may 201 barangay ng lungsod.

Tututukan umano ni Alcera ang lahat ng programang pangkabataan upang maihanda ang mga ito sa magandang bukas at mailayo sa pangunahing sakit ng lipunan at panganib na dulot ng droga. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALCERA

AYON

CHAIRMAN PAOLO ALCERA

DRUG ABUSE SEMINAR

DRUG TASK FORCE

GAYUNDIN

LORDETH BONILLA

PANGUNGUNAHAN

PASAY CITY

SANGGUNIANG KABATAAN CHAIRMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with