6 opisyal ng UCPB babasahan ng kasong panloloko
September 2, 2002 | 12:00am
Anim na official ng isang malaking bangko ang babasahan ng sakdal ngayong umaga sa Makati Regional Trial Court dahil sa umanoy mahigit sa P100 milyong padding ng utang ng isang condominium developer sa Metro Manila.
Ihaharap ngayong alas-8 ng umaga kay Judge Dina Pestaño Teves ng RTC Branch 64 sina United Coconut Planters Bank (UPCB) former chairman Jeronimo U. Kilayko, dating presidente Lorenzo V. Tan, former corporate secretary Virgilio S. Jacinto, First Vice President Enrique L. Gana, Vice President Jaime W. Jacinto, at Assistant Vice President Emily R. Lazaro.
Inaprubahan ni Assistant Chief State Prosecutor at Officer-in-Charge Leonardo C. Guiyab ng Makati Prosecutors Office ang paghaharap ng demandang deceit laban sa anim kaugnay ng reklamo ng E. Ganzon, Inc. (EGI), na itoy tinangkang kolektahan ng UCPB nang labis na P120,118,218 mula sa naging utang ng kompanya sa naturang bangko simula pa noong 1994. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended