Bagong silang na sanggol, binigti saka itinapon sa creek
September 1, 2002 | 12:00am
Hindi na nagawang masilayan pa ng isang bagong panganak na sanggol ang liwanag matapos siyang patayin sa bigti at itapon sa creek ng kanyang walang pusong ina sa Mandaluyong City.
Sa imbestigasyon ni SPO2 Ruperto Balsamo, bandang alas-10 ng umaga nang marekober ang bangkay ng sanggol habang lulutang-lutang sa creek ng Brgy. Barangka Ilaya.
Isang caretaker ng barangay hall na kinilalang si Richard Terano, 19, ang nakakita sa sanggol noong una ay inakala nitong manyika na tinatangay ng agos sa creek sa likuran ng barangay hall.
Agad na sinungkit ni Terano ng patpat ang bangkay na sanggol at matapos na makuha ay tumawag sa himpilan ng pulisya.
Malaki ang hinala ng mga awtoridad na bagong panganak ang sanggol dahil sa nakakabit pa ang pusod nito at namatay sa bigti dahilan sa nakuhang nylon cord sa leeg.
Posible na isang unwed mother ang pumatay at nagtapon sa kanyang sanggol matapos abandonahin ng lalaking nakabuntis rito. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended