Personal na nagtungo ang biktima na itinago sa pangalang Maybelle, 25, estudyante ng college of law ng nasabing eskwelahan sa WPD-Womens and Children Desk para ireklamo si Judge Jose Lacambra Bautista, 40, kasalukuyang hukom sa 2nd Municipal Circuit Trial Court ng Taysan Lobo-Ibaan, Batangas at residente ng #4 Lorenzo st., DBP Village, Almanza, Las Piñas City.
Nabatid sa imbestigasyon ni Insp. Gregorio Parcon ng WPD-Station 8 na ang insidente ay naganap noong Agosto 6, ganap na alas-11ng umaga sa loob ng kotse ni Bautista.
Sa sinumpaang salaysay ng biktima, sinabi nito na palagi umano siyang tiniteks ni Bautista ng mga bastos na mensahe kayat may hinala ang ilang estudyante na may gusto sa kanya ang hukom.
Ayon pa sa biktima, noong Agosto 6 ay tineks siya ni Bautista na kinakailangang niyang pumunta sa eskwelahan dahil mayroon itong iuutos sa kanya.
Nang naroon na siya sa gate ng college of law ay pinapasok siya ni Bautista sa puti nitong kotse na tinted ang salamin.
Pagkapasok umano ng biktima ay mabilis siyang niyakap at pinaghahalikan ng hukom.
Kahit na umano nanlalaban ang biktima ay patuloy ang hukom sa paghalik at paghawak sa maseselang bahagi ng katawan nito. (Ulat ni Grace dela Cruz)