Positibong kinilala ni Parsons ang nadakip na si Oliver Sambilay, no. 4 most wanted sa Region 4 na isa sa pumasok sa kanyang bahay noong nakalipas na Hulyo 18, ng taong kasalukuyan.
Sa ulat ng pulisya, si Sambilay ay nadakip sa Cubao, Quezon City sa bisa ng arrest warrant laban dito sa kasong murder at carnapping.
Si Sambilay ay may patong na P250,000 sa ulo.
Bagamat natuwa si Parsons sa pagkaaresto kay Sambilay sinabi nito na hindi pa labis ang kanyang kasiyahan dahil tatlo pa sa mga suspect ang hindi pa nadarakip. (Ulat ni Danilo Garcia)