2 umambus ng pulis nadakip
August 28, 2002 | 12:00am
Nadakip ng mga tauhan ng CPD-Criminal Investigation Unit (CIU) ang dalawa sa anim na suspect na umambus at nakapatay sa isang pulis kamakalawa ng madaling araw sa Cubao, Quezon City.
Nakilala ang mga nadakip na salarin na sina Harold Sinfuentes, 27, nanunuluyan sa Philippine Coast Guard Headquarters at Julieto Joraza, 29, ng Brgy. Moonwalk, Muntinlupa City. Ang mga ito ay kapwa tubong Mati, Davao Oriental.
Ayon kay Chief Insp. Rodolfo Jaraza, nadakip ang dalawa sa harap ng PCG headquarters dakong alas-12 ng tanghali ilang oras lamang matapos nilang isagawa ang krimen.
Mayroon umano silang saksi na nakakita sa ginamit na get-away vehicle ng mga suspect na umambus at nakapatay kay SPO3 Quintin Colon Jr., 42, na nakatalaga sa Civil Security Group ng PNP sa Camp Crame.
Binanggit ni Jaraza na matapos ang pananambang ay mabilis na sumakay ang mga suspect sa isang Toyota FX na may plakang PXS-565.
Unang nadakip ng mga awtoridad si Sinfuentes at inamin nito na sila ang responsable sa pamamaslang sa naturang pulis.
Lumalabas na personal ang motibo sa isinagawang pagpaslang sa nabanggit na pulis.
Nagsasagawa pa ng follow-up operation para sa ikadadakip ng iba pang suspect. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended