3 pulis grabe sa car mishap
August 27, 2002 | 12:00am
Tatlong pulis ang malubhang nasugatan makaraang masalpok ng isang pampasadang sasakyan ang kinalululanan nilang mobile car matapos pilit na habulin ng mga pulis ang pulang ilaw ng traffic light kahapon ng umaga sa Pasig City.
Nakilala ang mga sugatang pulis na sina PO2 Eleuterio Hernandez, 39; PO1 Michael Famillara at PO1 Joselito Esmallaner, pawang kasapi sa Pasig Police. Ang tatlo ay pawang ginagamot sa Medical City at iniulat na kritikal ang kalagayan ni Hernandez.
Sumuko naman sa pulisya ang driver ng pampasadang Crosswind na nakabundol sa mobile car. Ito ay nakilalang si Porferio Fernandez, 37. Ilan sa mga pasahero nito ay nagtamo rin ng bahagyang sugat at bukol sa ulo.
Base sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-9 kahapon ng umaga sa panulukan ng Julia Vargas Avenue at Lanusa St., Brgy. Ugong, Pasig City.
"Go ho ako, kaya pinaspasan ko ang pagmamaneho, bigla na lang sumulpot sa harapan ko iyong mobile car na biglang lumiko na hindi ko naman nakita kasi natatakpan ng isang nakaparadang sasakyan, kaya kumbaga nabulaga ako," paliwanag ni Fernandez.
Sa panig naman ng mga nasugatang pulis, ipinaliwanag ng mga ito na nagmamadali umano sila dahil sa mayroon silang rerespondehan. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am