^

Metro

200 death convicts magbi-vigil kontra bitay

-
Sinimulan na kahapon ng may 200 death convicts ang kanilang pagbi-vigil bilang hiling sa pamahalaan sa tuluyang pagbasura sa parusang kamatayan na pansamantala lamang sinuspinde ng Malacañang ang pagpapatupad sa darating na Agosto 30, bilang regalo sa kaarawan ni Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin.

Sa panayam kay Ramil Lansang, 31, isa sa naghihintay sa hatol na bitay dahil sa kasong rape with homicide na tatagal ang kanilang pagbi-vigil hanggang sa buwan ng Oktubre.

Ito ay isasagawa nila sa loob ng death row, maximun security compound ng New Bilibid Prisons (NBP).

Hindi umano nila ititigil ang pagdarasal kasama ang kanilang mga kamag-anak at mga religious group na tumututol sa naturang batas.

Binanggit pa ng mga bibitayin na matinding torture lalo na sa pag-iisip ang dinaranas nila sa kanilang selda lalo’t nababalitaan nila ang usapin sa parusang kamatayan. Marami ang nababalisa, hindi makakain at makatulog na nagiging dahilan naman upang ang ilan sa kanila ay mawala sa sarili dahil sa kakaisip sa kanilang sasapiting kapalaran.

Kasabay ng isinagawang pagbi-vigil, naghain din ang mga nakatakdang bitayin ng 32 pahinang petition for certiorari at probation sa Supreme Court sa pamamagitan ng kanilang mga abogado sa Free Legal Assistance Group (FLAG) para magpalabas ng temporary restraining order tungkol sa bitay.

Ito umano ang siyang pipigil sa pagbitay sa limang death row inmates na isasalang sa lethal injection chamber sa mga itinakdang petsa.

Kabilang sa mga bilanggong nakatakdang bitayin ngayong Agosto 30 ay si Rolando Pagdayawan, subalit ito ay ipinagpaliban nga ni Presidente Arroyo dahil sa kaarawan ni Cardinal Sin; Eddie Sernadilla, Setyembre 3; Felimon Serrano, Setyembre 20; Alfredo Nardo,Oktubre 16; Jimmy Jacob, Oktubre 31 at Ramil Rayos, Enero 8, 2003. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Gemma Amargo)

AGOSTO

ALFREDO NARDO

CARDINAL SIN

EDDIE SERNADILLA

FELIMON SERRANO

FREE LEGAL ASSISTANCE GROUP

GEMMA AMARGO

JIMMY JACOB

OKTUBRE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with