Gasolinahan tinangkang sunugin ng magsasaka
August 25, 2002 | 12:00am
Dinakip ng mga tauhan ng Central Police District Station 2 ang isang magsasaka matapos na tangkain nitong sunugin ang isang gasolinahan, kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Kasalukuyang nakapiit sa istasyon ng pulisya ang suspect na nakilalang si Lorenzo Soliman, 46, ng Bagong Barrio, Caloocan City. Lumilitaw na ang insidente ay naganap dakong alas- 2:15 ng madaling araw sa Shell Station sa panulukan ng West Avenue at Baler St. sa nabanggit na lungsod.
Nabatid na hinintay ng suspect na makatulog ang mga gasoline boy at saka kinuha ang isang hose ng gasolina upang lagyan ang dala nitong tabo.
Sisindihan na ng suspect ang tabo na may lamang gasolina nang makita ito ng grupo nina PO1 Cadiz at PO3 Marsan na noon ay nagsasagawa ng foot patrol sa naturang lugar.
Hindi namang binanggit ang dahilan nang tangkang panununog. (Ulat ni Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest