^

Metro

Ambisyon ni Alma sa 2004, haharangin ni Joey

-
Haharangin ni Parañaque Mayor Joey Marquez ang pagtakbo ng kanyang misis na si Alma Moreno sa pagka-alkalde sa 2004.

Unang idinahilan ni Tsong na ito’y dahil sa hindi siya pabor sa political dynasty.

Inamin ni Marquez na ambisyon ni Vanessa Lacsamana, (tunay na pangalan ni Alma) na makakuha ng posisyon at tumakbong kandidato sa pagka-mayor sa kanilang lungsod sa darating na halalan sa 2004.

Bagamat hindi direktang ipinaliwanag ni Marquez ang dahilan kung bakit pilit niyang haharangin ang pagtakbo o pagpasok ni Alma sa pulitika, sinabi nito na mas makabubuti umano na wala sa city hall si Alma.

Nagpahiwatig din si Marquez, na minsan na umano niyang binawalan si Alma na magtungo o tumambay sa city hall ng Parañaque dahil na rin sa hindi magagandang ulat na kanyang natatanggap ukol dito. May kinalaman umano ito sa ilang transakyon sa city hall na hindi na inilaborate pa ng mayor.

Bagamat pinabulaanan naman ni Alma ang plano nitong pagtakbo sa pulitika, kasabay nang pagsasabing prayoridad niya ang kanyang pamilya, humirit ito sa huli na nagsabing masyado pa umanong maaga para pag-usapan ang pulitika.

Sinabi pa sa huli ni Mayor Tsong na hangga’t maaari ay iniiwas niya ang sinumang miyembro ng kanyang pamilya na pasukin ang larangan ng public service.

Nilinaw pa nito na ang kanyang desisyon ay walang kinalaman sa ibang pamilya na halos sabay-sabay na nagbibigay serbisyo at humahawak ng posisyon sa gobyerno.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

ALMA

ALMA MORENO

BAGAMAT

HAHARANGIN

INAMIN

LORDETH BONILLA

MARQUEZ

MAYOR JOEY MARQUEZ

MAYOR TSONG

VANESSA LACSAMANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with