^

Metro

DOJ ayaw ring maghiwalay sina Joey at Alma

-
Kinampihan ng Department of Justice (DOJ) ang Office of the Solicitor General (OSG) kaugnay sa kaso ng paghihiwalay nina Parañaque City Mayor Joey Marquez at aktres Alma Moreno.

Ito’y matapos katigan ng DOJ ang naging desisyon ng OSG na tumututol sa petition for nullify of marriage na inihain ni Mayor Marquez laban sa aktres.

Lantarang sinuportahan kahapon ni Justice Secretary Hernando Perez ang naging desisyon ng OSG na hadlangan ang petition for annulment of marriage nina Joey at Alma.

Sa alinmang usapin ng marriage annulment, tradisyon ng tumututol ang Solicitor General, sa layuning higit na maproteksiyunan ang pamilya bilang isang institusyon.

Kamakailan ay nagsumite ng pagtutol ang OSG sa pagpapawalang bisa sa kasal nina Joey at Alma kay Parañaque City Judge Helen Ricafort na dito ay niliwanag ng mga abugado ng gobyerno na walang batayan at hindi napatunayan ni Marquez ang alegasyon na psychological incapacity ang kanyang asawa.

Samantala, malaki ang paniniwala ni Marquez na mapapawalang bisa ng hukuman ang kanilang kasal dahil nagsumite ito ng bagong ebidensiya na siya ay pinendeho ni Alma sa pagkakaroon nito ng relasyon sa isang Julian Say. (Ulat nina Gemma Amargo/Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALMA MORENO

CITY JUDGE HELEN RICAFORT

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

JULIAN SAY

JUSTICE SECRETARY HERNANDO PEREZ

LORDETH BONILLA

MARQUEZ

MAYOR MARQUEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with