^

Metro

157 batang palaboy may HIV?

-
Tinatayang aabot sa may 157 mga palaboy sa lansangan na may gulang na mula-5 hanggang 17-anyos ang positibo umano sa Human Immuno Virus o HIV at ang ilan sa mga ito ngayo’y malayang gumagala sa Metro Manila.

Ito ang nabatid buhat sa isinagawang pag-aaral, kamakailan na pinondohan ng French government.

Ayon sa isang Ms. Bondad ng France Jeunesse International kabilang umano dito ang limang-taong gulang na batang babae na siyang pinakabatang child sex worker na nagkaroon ng ganitong uri ng sakit.

Ang naturang bilang umano ng mga palaboy na nagtataglay ng ganitong uri ng sakit na kanilang inilabas ay base sa mahigpit na pagsubaybay sa mga ito sa loob ng may dalawang taong study period.

Sinabi pa ni Bondad na maaaring sa mga dayuhan nahawa ang mga palaboy.

Dahil dito, iminumungkahi ng mga taga-FJI ang pagrerekomenda o pagtuturo sa murang edad pa lamang partikular na sa mga street children ang paggamit ng mga contraceptives sakaling hindi sila makaiwas mula sa mga sexual exploiters. Gayunman, ito ay nangangailangan ng pagsang-ayon ng social workers at ng ilang konserbatibong sektor sa lipunan. (Ulat ni Andi Garcia)

vuukle comment

ANDI GARCIA

AYON

BONDAD

DAHIL

FRANCE JEUNESSE INTERNATIONAL

GAYUNMAN

HUMAN IMMUNO VIRUS

METRO MANILA

MS. BONDAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with