Ang naturang hakbang ay base sa kautusan kahapon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Hernando Perez kay Bucor director Ricardo Macala para na rin sa implementasyon ng ipinalabas na resolusyon ng Supreme Court (SC).
Napag-alaman na mula sa Brigada I ng New Bilibid Prisons Maximum compound na lugar ng mga bilanggo na nasa death row ay ililipat na ang mga menor-de-edad sa medium security compound na matatagpuan sa Kampo Sampaguita.
Nakasaad sa naunang ipinalabas na kautusan ng SC na dapat na lamang alisin sa death row ang mga menor-de-edad dahil sa umiiral na batas alinsunod sa itinatadhana ng revised penal code na ang sinumang kabataan na nakagawa ng krimen ay awtomatikong ibaba ang sentensya dahil ito ay itinuturing na isang privileged mitigating circumstance.
Dahil dito kung kayat nangangahulugan na mula sa parusang kamatayan ay magiging habambuhay na pagkabilanggo na lamang ito o reclusion temporal o pagkabilanggo ng mula 12 hanggang 20 taon. (Ulat ni Gemma Amargo)