^

Metro

12 menor-de-edad na nasa death row inilipat na ng piitan

-
Inilipat na kahapon ng Bureau of Correction (Bucor) ang may 12 menor-de-edad na nasa death row mula sa maximum security prison patungo sa medium security compound.

Ang naturang hakbang ay base sa kautusan kahapon ni Department of Justice (DOJ) Secretary Hernando Perez kay Bucor director Ricardo Macala para na rin sa implementasyon ng ipinalabas na resolusyon ng Supreme Court (SC).

Napag-alaman na mula sa Brigada I ng New Bilibid Prisons Maximum compound na lugar ng mga bilanggo na nasa death row ay ililipat na ang mga menor-de-edad sa medium security compound na matatagpuan sa Kampo Sampaguita.

Nakasaad sa naunang ipinalabas na kautusan ng SC na dapat na lamang alisin sa death row ang mga menor-de-edad dahil sa umiiral na batas alinsunod sa itinatadhana ng revised penal code na ang sinumang kabataan na nakagawa ng krimen ay awtomatikong ibaba ang sentensya dahil ito ay itinuturing na isang privileged mitigating circumstance.

Dahil dito kung kaya’t nangangahulugan na mula sa parusang kamatayan ay magiging habambuhay na pagkabilanggo na lamang ito o reclusion temporal o pagkabilanggo ng mula 12 hanggang 20 taon. (Ulat ni Gemma Amargo)

BRIGADA I

BUCOR

BUREAU OF CORRECTION

DEPARTMENT OF JUSTICE

GEMMA AMARGO

KAMPO SAMPAGUITA

NEW BILIBID PRISONS MAXIMUM

RICARDO MACALA

SECRETARY HERNANDO PEREZ

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with