^

Metro

Pajero ng sinalvage na NBI agent, narekober

-
Narekober na ng mga awtoridad ang Pajero ng isang pinaslang na confidential agent ng National Bureau of Investigation (NBI) sa hangganan ng Marikina City at San Mateo, Rizal kamakalawa ng hapon.

Isang team ng NBI kasama ang mga lokal na awtoridad ang nakarekober sa sasakyan ng biktimang si Vincent Fulgar matapos abandonahin sa panulukan ng Waling-Waling St., Modesta Village, San Mateo, dakong alas-3:15 ng hapon nitong Linggo.

Ang nasabing Pajero, may plakang VIP-333 ay natukoy na pag-aari ng biktima sa isinagawang follow-up operations ng mga awtoridad.

Ayon sa mga imbestigador, tadtad ng mga marka ng dugo ang loob ng sasakyan kung saan ay nagsagawa na rin sila ng eksaminasyon sa fingerprints na naiwan ng mga salarin.

Bago umano naganap ang pagpaslang kay Fulgar at pag-abandona rito sa isang bakanteng lote sa Marikina City ay nakatanggap na ito ng mga pagbabanta sa kanyang buhay.

Ang duguang bangkay ni Fulgar, 51, ng Chastity Villas, Busilak, Mandaluyong City ay natagpuan nitong nakalipas na Sabado ng ilang bystanders sa isang bakanteng lote may 20 metro ang layo sa pangunahing kalsada ng Daang Kalabaw, Sitio Payong, Tumana, Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Ang biktima ay nagtamo ng malalim na pukpok sa noo at batok na posibleng nakuha nito sa paghampas ng matigas na bagay ng mga salarin.

Si Fulgar ay huling nakitang buhay dakong alas-2 ng madaling-araw noong Sabado. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

CHASTITY VILLAS

CONCEPCION UNO

DAANG KALABAW

FULGAR

JOY CANTOS

MANDALUYONG CITY

MARIKINA CITY

MODESTA VILLAGE

SAN MATEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with