Trolley boy sinumpak, dedo
August 19, 2002 | 12:00am
Isang 22-anyos na trolley boy ang pinagbabaril at pinatay ng kapitbahay nito matapos na mag-agawan ang mga ito ng pasahero sa riles ng train sa Makati City kamakalawa ng gabi.
Dead-on-arrival nang isugod sa Makati Medical Center (MMC) ang biktima na nakilalang si Isidro Pide, nakatira sa #221 South PNR, Barangay Bangkal ng lungsod na ito matapos itong sumpakin sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Samantala, ang suspek na nakilala lamang sa pangalang Michael ng nabanggit na lugar ay kaagad na tumakas matapos isagawa ang pamamaril.
Ayon sa imbestigasyon ni PO1 Reuel Riodique, ng Homicide Section, Makati City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:30 kamakalawa ng gabi sa harapan ng bahay ng biktima.
Parehong trolley boy ang suspek sa riles ng tren, nabatid na nag-agawan sa mga pasahero.
Nagalit ang suspek sa biktima hanggang sa nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa.
Kumuha ng sumpak ang suspek at pinaputukan si Pide, kaagad na isinugod ang biktima sa nasabing ospital ng kanyang mga kamag-anak, ngunit hindi na ito umabot ng buhay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended