^

Metro

Curfew sa Maynila ipapatupad

-
Pinag-aaralan na ng Manila City Council at ng Western Police District (WPD) ang pagpapatupad ng curfew sa buong Maynila partikular sa mga mamamayang wala pa sa edad 18.

Ang pagpapatupad na ito ng isang ordinansa na sa barangay level lamang ang bisa ay nakatakdang aprubahan sa konseho upang agarang maipatupad sa buong kalunsuran.

Hangarin ng may akda ng ordinansang ito na si 6th district councilor Julio Logarta na mapababa ang kriminalidad sa lungsod ng Maynila na kadalasang ang direktang nauugnay bilang suspek ay mga kabataang edad 13 hanggang 18.

Ito rin ang siyang pananaw ng bagong luklok na hepe ng WPD na si Senior Supt. Pedro Bulaong na nagpahayag din na sa pamamagitan lamang ng pagpapatupad ng curfew hours malilimitahan ang mobility ng suspected crime perpetrators at gayundin naman ay mapapangalagaan o maiiwas ang iba pang kabataan na mabiktima ng mga ito.

Ayon naman kay Vice Mayor Danny Lacuna ay technicaly at theoretically approved na ang curfew ordinance sa konseho at nasa pagtukoy na lamang aniya ng wastong oras ng simula at wakas nito ang hindi pa napagkakasunduan.Tanging nasa pagtukoy ng haba ng oras ng curfew .

Sa panukala ni Logarta ay sinasaad na mula alas-11 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga kinabukasan ang bisa ng curfew na planong gawing alas-9 ng gabi hanggang alas-5 ng madaling araw kinabukasan ang bisa ng curfew na sumasakop sa lahat ng kabataang 17 anyos pababa.

Sinumang walang maipakitang barangay certificate na siya ay 18 na at makikitang pagala-gala ay aarestuhin at makukulong sa piitang itinakda ng barangay kung saan siya naaresto at tanging magulang o next of kin lamang nito ang maaaring tumubos dito sa halagang naaayon sa itinakda ng batas. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

AYON

CURFEW

JULIO LOGARTA

MANILA CITY COUNCIL

MAYNILA

PEDRO BULAONG

SENIOR SUPT

VICE MAYOR DANNY LACUNA

WESTERN POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with