Ito ang inihayag kahapon ni POEA Administrator Rosalinda Dimapilis-Baldoz makaraang maaresto si Angelita Farinas, 58, may-ari ng Millennium International Foundation Agency, isang walang lisensyang ahensya makaraang ireklamo ng tatlong naging biktima nito na pinangakuang magtrabaho bilang taga-pitas ng prutas partikular na ang mansanas sa Estados Unidos.
Si Farinas ay natunton ng pinagsanib na puwersa ng POEA at ng PNP-CIDG anti-illegal recruitment team sa isinagawang operasyon sa Quezon City.
Nilinaw ni Baldoz na walang job orders sa US at Australia para sa naturang trabaho at anumang trabaho sa mga hacienda dito.
Binanggit pa nito na ang trabahong apple o fruit pickers ang siyang pinakabagong modus operandi ng mga illegal recruiter sa kanilang pambibiktima. (Ulat ni Jhay Mejias)