^

Metro

POEA nagbabala sa mga nire-recruit ng taga-pitas ng mansanas sa US

-
Ibinabala kahapon ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa publiko partikular na sa mga nagnanais na magtrabaho sa California, USA na walang kinukuhang aplikante para magtrabaho bilang mga ‘fruit o apple pickers’ sa nasabing bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni POEA Administrator Rosalinda Dimapilis-Baldoz makaraang maaresto si Angelita Farinas, 58, may-ari ng Millennium International Foundation Agency, isang walang lisensyang ahensya makaraang ireklamo ng tatlong naging biktima nito na pinangakuang magtrabaho bilang taga-pitas ng prutas partikular na ang mansanas sa Estados Unidos.

Si Farinas ay natunton ng pinagsanib na puwersa ng POEA at ng PNP-CIDG anti-illegal recruitment team sa isinagawang operasyon sa Quezon City.

Nilinaw ni Baldoz na walang job orders sa US at Australia para sa naturang trabaho at anumang trabaho sa mga hacienda dito.

Binanggit pa nito na ang trabahong ‘apple o fruit pickers’ ang siyang pinakabagong modus operandi ng mga illegal recruiter sa kanilang pambibiktima. (Ulat ni Jhay Mejias)

ADMINISTRATOR ROSALINDA DIMAPILIS-BALDOZ

ANGELITA FARINAS

BALDOZ

BINANGGIT

ESTADOS UNIDOS

IBINABALA

JHAY MEJIAS

MILLENNIUM INTERNATIONAL FOUNDATION AGENCY

PHILIPPINE OVERSEAS EMPLOYMENT ADMINISTRATION

QUEZON CITY

SI FARINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with