^

Metro

Harassment sa mga ROTC cadettes, tuloy pa rin

-
Sa kabila ng ginawang pagbasura ng Kongreso sa mandatory training ng Reserve Officer Training Course (ROTC) ay tuloy pa rin ang mga nangyayaring harassment sa mga estudyante sa kolehiyo.

Ayon kay Bayan Muna Rep. Liza Maza, dapat muling pag-aralan ang batas na nag-alis sa mandatory training ng ROTC at amyendahan ang National Service Training Program (NSTP) na ipinasa ng Kongreso matapos paslangin si ROTC cadet Mark Chua ng UST.

Ginawa ni Maza ang pahayag matapos lumantad ang apat na babaeng cadette sa Lyceum na nakaranas ng pangmomolestiya sa isang junior officer ng ROTC.

Ayon sa mga biktima na pawang mga 17 taong gulang, pinaghihipuan sila ng kanilang ROTC officer sa maseselang bahagi ng katawan tuwing mayroon silang training.

Dapat aniyang masusing imbestigahan ang nasabing insidente at iba pang katulad na insidente sa ibang unibersidad.

Sinabi pa ni Maza na napipilitan ang mga babaeng cadette na pumasok sa ROTC dahil karamihan sa mga unibersidad ay Community Welfare Service (CWS).

Nakasaad sa NSTP na maaaring makapamili ang lahat ng freshmen sa ROTC at CWS, depende sa availability ng slots sa bawat programa. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

AYON

BAYAN MUNA REP

COMMUNITY WELFARE SERVICE

KONGRESO

LIZA MAZA

MALOU RONGALERIOS-ESCUDERO

MARK CHUA

NATIONAL SERVICE TRAINING PROGRAM

RESERVE OFFICER TRAINING COURSE

ROTC

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with