3 pang biktima ni 'Milenyo' natagpuan
August 17, 2002 | 12:00am
Tatlong bangkay na kinabibilangan ng isang 4-taong gulang na batang lalaki ang natagpuan sa magkakahiwalay na lugar kahapon ng umaga na hinihinalang mga biktima ng pagkalunod habang kasagsagan ng pananalanta ng bagyong Milenyo noong nakaraang Martes sa Caloocan City.
Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Darwin Revilloza, 25; at Wilnon Baniag, 4, ng Camarin ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na si Revilloza ay napaulat na nawawala noong Martes ng hapon dakong ala-1 nang aksidenteng mahulog sa Marilao river sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan.
Samantala, si Baniag naman ay kasalukuyang naliligo sa ulan nang aksidente namang mahulog at tangayin ng malakas na agos ng nasabing ilog.
Kaugnay nito, patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan sa isa pang biktima na inilarawan lamang na nasa 20-30 edad, 55-58 ang taas, nakasuot ng maong pants, walang damit na pang-itaas at katamtaman ang pangangatawan.
Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 kahapon ng umaga nang matagpuan ng isang Ricardo Sanchez ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa pampang ng ilog sa Phase 7-B, Package 10, Bagong Silang, Caloocan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended