Pulubing binoga ng doktor, nag-suicide
August 17, 2002 | 12:00am
Nasawi makaraang tumalon sa ikalawang palapag ng Quezon City General Hospital kahapon ang pulubi na biktima nang pamamaril ng isang doktor ng UERM, kamakalawa.
Tuluyan nang nasawi ang biktimang si Constancio Danreco, 34, ng Payatas, Quezon City makaraang tumalon sa ikalawang palapag ng pagamutan.
Base sa ulat ng Criminal Investigation Division ng Quezon City Police, ang insidente ay naganap dakong alas-9:30 ng umaga matapos ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya kay Danreco sa loob ng kuwarto nito sa nabanggit na pagamutan na doon ito nagpapagaling makaraang mabaril ni Dr. Rizalino Peralca, opthalmologist sa UERM.
Una dito, pinakalas ng imbestigador sa nagbabantay na kamag-anak ang tali sa kamay ni Danreco para maging komportable ang pasyente. Si Danreco ay tinalian dahil sa itoy nagwawala.
Makaraang alisin ang tali, hindi na ito napigilan sa pagwawala hanggang sa tuluyang alisin ang nakaturok sa kanyang dextrose at saka tumakbo sa bintana at tumalon.
Agad na binawian nang buhay si Danreco makaraang mabagok ang ulo at mabali ang ilang buto sa katawan.
Magugunitang si Danreco ay dinala sa pagamutan makaraang magtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan nang barilin ni Dr. Peralca.
Sa unang imbestigasyon, sinabi naman ng doktor na kaya niya nagawa ang ganoon ay dahil sa pagwawala rin ng biktima at pagsugod sa kanya ng patalim habang siya ay nagpapagasolina sa Shell station sa may San Francisco del Monte sa Quezon City, kamakalawa ng umaga.
Bago ito binato pa ng nasawi ang sasakyan ng doktor dahil nga sa nawawala ito sa sarili.
Matapos ang insidente, hindi naman makausap ng maayos ang biktima, hanggang sa puntahan ito kahapon ng ilang imbestigador at matapos imbestigahan ay isinagawa na nga ang pagwawala at pagpapakamatay.
Si Dr. Peralca ay kinasuhan na ng pulisya ng kasong frustrated homicide. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended