Doktor na namaril ng pulubi, tiklo
August 16, 2002 | 12:00am
Isang 51-anyos na doktor ang nahaharap sa kasong frustrated murder matapos na barilin ang isang pulubi sa isang gasoline station sa Quezon City kahapon ng umaga.
Nakilala ang suspect na agad namang naaresto ng mga tauhan ng Quezon City police na si Rizalino Pelarca, ophthalmologist sa UERM, samantalang nasa kritikal namang kalagayan ang biktima na nakilalang si Constancio Danreco, 34, ng Payatas ,Quezon City.
Base sa inisyal na imbestigasyon naganap ang insidente dakong alas-10:40 ng umaga sa Shell Gasoline station na matatagpuan sa West Avenue, San Francisco del Monte.
Nagpapagasolina umano ang suspect sa nabanggit na gasolinahan nang batuhin ang kotse nito ng biktima na ikinagalit ng una.
Mabilis umanong kinuha ng doktor ang kanyang baril sa loob ng kanyang sasakyan at dalawang ulit na ipinutok sa dibdib ng biktima. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am