Ayon kay SFO3 Renato Santiago, nagsimula ang sunog dakong alas- 11:35 kamakalawa ng gabi sa isang shanty sa Sitio Masagana, Alabang Town Center.
Pinaniniwalaang faulty electrical wiring ang pinagmulan ng sunog na mabilis na kumalat sa kalapit kabahayan.
Tumagal ang sunog ng mahigit sa limang oras.
Naapula ang apoy dakong alas-5 ng madaling araw. (Ulat ni Lordeth Bonilla)