3 patay sa pagsabog
August 15, 2002 | 12:00am
Tatlo-katao kabilang ang isang babae at mag-bayaw ang napaulat na nasawi habang walo ang malubhang nasugatan makaraang sumabog ang isang high-grade explosive, kahapon ng hapon sa Caloocan City.
Kinilala ng pulisya ang mga namatay na sina Domingo Torrechiva, 49, may-asawa, driver, tubong Catbalogan; bayaw nitong si Ricardo Cabelin, 25, binata, walang trabaho at kapwa residente ng Phase 8-A Pckg. 10, Block 133, Lot 2 Bagong Silang, nasabing lungsod.
Samantala, patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng isang di-nakilalang babae na kasama ng dalawang una na namatay habang patuloy na ginagamot sa East Avenue Medical Center ang walong di-pa kilalang mga sugatan.
Ayon sa inisyal na ulat nina SPO1 Gaudencio Domingo at PO3 Carmelito Silvino, pawang may hawak ng kaso, dakong alas-3:15 kahapon ng hapon nang maganap ang insidente sa tahanan ni Torrechiva.
Batay sa pahayag ng ilang kapitbahay na nakaligtas sa insidente, bigla na lamang silang nakarinig ng dalawang malakas na pagsabog kung saan nang kanilang siyasatin ay nakita na lamang nila ang mga biktima at walo pang katao na nakahandusay sa kalsada at ang bahay ng una ay nasusunog.
May hinala ang mga awtoridad na isang high-grade explosive ang sumabog sa kadahilanang ang naturang lugar ay kilala umanong gawaan ng dinamita. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest