Natagpuang bangkay ng dalagita, kilala na
August 14, 2002 | 12:00am
Kilala na ng pulisya ang dalagitang natagpuang patay sa isang lugar sa Bayanan, Muntinlupa kamakalawa.
Ito ay si Clarissa Martin, isang American citizen at pamangkin ni dating Bacon, Sorsogon Mayor Leovic Dioneda na umanoy kinidnap noong nakalipas na Linggo ng gabi sa harapan ng Philtranco Terminal sa Pasay City.
Samantala, pinaghahanap pa ng pulisya ang mga suspect na kinabibilangan ng apat na armadong kalalakihan.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya noong Linggo dumating sa Maynila ang biktima buhat sa Sorsogon kasama ang kapatid na si Victorialyn Martin na sasamahan sana nito sa pagpapagamot.
Lulan na ang magkapatid sa isang taxi nang harangin ng isang Toyota Corolla na may plakang TAY840 sakay dito ang mga armadong suspect. Tinanong umano ng mga suspect kung sino ang pamangkin ni Mayor Dioneda nang makasagot na ang mga ito ay biglang hinaltak at dinalang sapilitan ang biktima.
Ang kapatid niya ang nag-ulat sa pulisya sa naganap na pagdukot.
Kinabukasan, magugunitang natagpuan ang bangkay ng isang dalagita sa Kawayanan Right Way, Bagong Paraiso Road, Barangay Bayanan, Muntinlupa City na binigti ng sintas ng sapatos na di naglaon ay kinilala ang dinukot na si Martin. Hindi pa mabatid kung hinalay ang biktima.
Inaalam pa rin ng mga awtoridad kung ano ang motibo sa isinagawang pagpaslang. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended