Colonel, misis sinuwag ng truck
August 14, 2002 | 12:00am
Himalang nakaligtas sa kamatayan ang isang opisyal ng Phil. Air Force at asawa nito subalit posibleng maputulan ng paa ang huli matapos na suyurin ng humahagibis na cargo truck ang kanilang sinasakyan, kahapon ng madaling araw sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension, sa Caloocan City.
Halos mahigit sa tatlong oras bago nakuha ang dalawang biktima na nakilalang sina Col. Rodrigo Salazar, 51 at misis nitong si Hanane,39, ng Pasay City sa loob ng sinasakyan nilang Mazda Power van . Ang mag-asawang biktima ay kapwa nakaratay sa National Orthopedic Hospital.
Mabilis namang tumakas ang di-pa nakikilalang driver ng cargo truck na may plakang WLY-464 matapos ang insidente kung saan pinaghahanap na ito ng mga awtoridad.
Ayon kay Senior Inspector Vicente Lucena Caloocan City Traffic Management Group na pasado alas-4 ng madaling araw ng maganap ang insidente sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa Grace Park ng nabanggit na siyudad.
Nabatid na binabagtas ng mag-asawa ang naturang lugar patungong Maynila nang suyurin ng humahagibis na cargo truck. Kapwa naipit sa sasakyan ang mag-asawa at nahirapan ang rescue team na maalis ang mag-asawa na pumailalim sa kanilang sasakyan. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended