^

Metro

Lider ng carnap gang, 4 pa timbog

-
Limang miyembro ng carnapping syndicate kabilang ang lider ng kilabot na Mayor carnapping group ang nasakote ng pulisya sa isinagawang serye ng operasyon sa magkakahiwalay na lugar kung saan narekober din ang ilang mamahaling sasakyan na kinarnap ng mga ito.

Nakilala ang mga nadakip na sina Andres Palabasan Jr., sinasabing lider ng Mayor group, na nag-ooperate sa iba’t ibang lugar ng Luzon maging sa Metro Manila; Romy Arago; Jose Samson, 45; Alvin Magpayo at Philip Andre Navarro.

Ang mga suspect ay iprinisinta ni PNP chief Director General Hermogenes Ebdane kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, pati na rin ang mga narekober na mamahaling sasakyan.

Sa ulat ng pulisya, unang sinalakay ng mga tauhan ng Traffic Management Office 3 ang isa sa pinaglulunggaan ng mga suspect sa Bustos, Bulacan na dito nasamsam ang dalawang carnap na kotse at motorsiklo.

Samantala, sa isa pang operasyon sa Apalit, Pampanga nadakip naman sina Palabasan at Arago, habang sa Katipunan Rd., Loyola Heights, Quezon City naaresto si Samson.

Sina Magpayo at Navarro ay natunton ng pulisya sa harap ng San Juan de Dios Hospital sa Pasay City sa aktong ibinebenta ang isang kinarnap nilang Pajero.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang limang nadakip na suspect na kasalukuyang nakadetine ngayon sa Camp Crame detention cell. (Ulat nina Danilo Garcia/Lilia Tolentino)

ALVIN MAGPAYO

ANDRES PALABASAN JR.

CAMP CRAME

DANILO GARCIA

DIOS HOSPITAL

DIRECTOR GENERAL HERMOGENES EBDANE

JOSE SAMSON

KATIPUNAN RD

LILIA TOLENTINO

LOYOLA HEIGHTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with