Adik nag-amok tigok sa pulis
August 12, 2002 | 12:00am
Dahil sa tawag ng tungkulin, nagawang barilin at mapatay ng isang bagitong pulis ang isang lalaking nag-amok, na nakagamit ng droga kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.
Kusang loob na sumuko at nasa custody ngayon ng Muntinlupa City Police ang nakabaril na si PO1 Pedro Delgado, nakatalaga sa District Mobile Group, Southern Police District Office (DMG-SPDO).
Dead on the arrival naman nang isugod sa Alabang Medical Clinic ang suspek na nakilalang si Julito Felceco, 42, nagtatrabaho sa Filsystem Incorporated at nagtamo ng ilang tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng katawan buhat sa kalibre 9mm.
Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Rey Quizon, ng Criminal Investigation Division (CID), naganap ang insidente dakong alas 2:45 kamakalawa ng hapon sa harapan ng Alabang Interchange.
Dahil nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot ang suspek, nagawa nitong mag-amok at bawat taong dumaraan ay kanyang hinahabol ng saksak.
Nagkataong naroroon si PO1 Delgado kaya agad humingi ng tulong ang mga taong dumaraan.
Dahil sa tawag ng tungkulin, rumesponde si Delgado.Kinausap nito upang makalma ang suspek, ngunit sa halip na tumigil ay tinangka pa nitong saksakin ang nasabing alagad ng batas.
Agad na pinaputukan ni Delgado ang nasabing suspek na tinamaan sa ibat-ibang bahagi ng katawan hanggang sa isinugod ito sa nabanggit na pagamutan, ngunit hindi na nakarating ng buhay. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am