Task Force Chika Go binuo para sa killer ng ex-Manila councilor
August 12, 2002 | 12:00am
Bumuo kahapon si WPD director Pedro Bulaong ng "Task Force Chika Go" upang kaagad na matukoy at maaresto ang mga tumambang sa dating konsehal kamakalawa.
Inatasan ni Sr. Supt. Bulaong ang kanyang deputy director for operations na si Sr. Supt. Rafael Corpuz na pamunuan ang binuong Task Force upang agarang malutas ang ginawang pananambang kay ex-councilor Go, 48 anyos, architech/builder ng Regina Garden condominium II, Reina Regente St., Binondo.
Ayon sa ulat ng pulisya, bandang alas-2:15 kamakalawa ng hapon habang lulan ng kanyang Pajero na may plakang WGU-768 na minamaneho ng kanyang driver na si Abel Polancos Sr. ng lumapit sa kanilang sasakyan ang isang hindi nakilalang lalaki habang nakahinto sila dahil sa trapik ng biglang pinagbabaril si Go ilang metro na lamang ang layo sa tahanan ng dating konsehal.
Galing umano si Go sa pagdalaw sa kanyang inang naka-confine sa Chinese General hospital at pauwi na sana ito sa kanilang bahay ng tambangan ng hindi nakilalang suspect.
Nagkataon naman na walang kasamang bodyguard si Go ng mangyari ang ambush sa kanya kamakalawa.
Mabilis na tumakbo ang salarin patungo sa Alvarado St. kung saan ay naroroon naman ang naghihintay nitong kasamahan na lulan ng motorsiklo saka tumakas habang isinugod naman ni Polancos, na hindi nasaktan sa ambush, ang kanyang amo sa Metropolitan hospital subalit idineklarang dead on arrival sanhi ng tinamong mga tama ng bala nito sa katawan.
Ito ang pangalawang beses na pananambang kay Go kung saan ang una ay noong May 21, 2000 sa Sta. Cruz, Maynila kung saan ay nasawi naman ang driver nito at nasugatan ang kanyang anak na dalagita. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended