May kanser, Canadian national nagbigti
August 12, 2002 | 12:00am
Sanhi ng pagiging paranoid, dahil sa hindi makayanan ang sakit na kancer, isang 45-anyos na Canadian national ang nagbigti sa loob ng comfort room kamakalawa ng gabi sa Las Piñas City.
Nasawi noon din ang biktima na nakilalang si Kieth John Rising, may-asawa nakatira sa Block 8, Lot 3, Marcellus St., BF Resort Village, Barangay Talon 2, ng nabanggit na lungsod.
Ayon sa imbistigasyon nina SPO2 Roland Ramos at PO2 Eduardo Rodaje, ng Criminal Investigation Division (CID), Las Piñas City Police, dakong alas 9:00 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ng kaniyang asawa na nakilala sa pangalang Wilma ang biktima sa loob ng kanilang banyo na nakatali ang leeg ng electrical wire at nakasabit sa kisame. Nabatid kay Wilma na simula ng magkaroon ng kancer ang biktima ay naging paranoid na ito.
Labis na dinamdam ng biktima ang pagkakaroon ng kancer at dahil sa hindi na makayanan nito ang matinding kirot ay nagawa nitong kitilin ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbibigti. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended