Pagdismis sa kaso laban kina Mathay at Binay, binatikos
August 10, 2002 | 12:00am
Nagpiket kahapon ang mahigit sa 100 residente ng Payatas sa harapan ng Ombudsman bilang protesta sa ginawang pagbasura ng tanggapan sa kasong negligence na kanilang isinampa laban kina dating QC Mayor Ismael Mathay, dating MMDA chairman Jejomar Binay at iba pang opisyales ng lungsod kaugnay sa naganap na trahedya sa naturang lugar, dalawang taon na ang nakakalipas.
Binigyang diin ng mga residente na hindi naging makatarungan ang ginawang desisyon ng Ombudsman at hindi nabigyan ng hustisya ang mga mahal nila sa buhay na nasawi sa insidente.
Kasabay nito, nanawagan ang grupo kay Pangulong Gloria Macapagal- Arroyo na aksyunan ang maselang bagay na ito para mabigyan ng mabilis na hustisya ang mga biktima sa trahedya. (Ulat ni Angie dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended