^

Metro

Petisyon para patigilin ang PPA, binasura ng korte

-
Tuluyan nang ibinasura kahapon ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang isinampang petisyon ni dating Senador Juan Ponce Enrile at ng 40 cause-oriented groups na naglalayong ipatigil ng Korte ang pangongolekta ng kontrobersiyal na Purchased Power Adjustment (PPA) sa buwanang singil ng kuryente.

Sinabi ng Korte na wala umano sa kanilang hurisdiksyon na desisyunan ang kaso.

Batay sa ipinalabas na limang pahinang Omnibus Order ni Judge Alfredo Flores ng Pasig RTC Branch 156 na wala silang kapangyarihan na pahintuin ang Manila Electric Company (Meralco) at National Power Corporation (NAPOCOR) sa pangongolekta ng PPA sa milyong mga konsumer nito sa bansa.

Gayunman, hindi rin kinatigan ni Flores ang mosyon na isinampa ng NPC at Meralco na ikonsiderang idismis ang kanilang kaso sa Korte.

"Maituturing na ito ay ‘win-win solution’ sa magkabilang panig. Ang tanging paraan ay ang isampa ng dalawang panig ang kaso sa Korte Suprema," pahayag ni Flores.

Sa halip, pinanindigan ni Flores na ang kontrata ng NPC sa iba’t ibang Independent Power Producers (IPPs) ay alinsunod sa probisyon ng Republic Act of 6957 o ang Build Operate Transfer Law.

Kaugnay nito, inatasan ni Flores ang kanyang mga staff na ideliber ang kopya ng kanyang kautusan kina Enrile at iba pang grupo na kumukuwestiyon sa ipinapataw na PPA sa singil sa kuryente. (Ulat ni Joy Cantos)

BUILD OPERATE TRANSFER LAW

INDEPENDENT POWER PRODUCERS

JOY CANTOS

JUDGE ALFREDO FLORES

KORTE

KORTE SUPREMA

MANILA ELECTRIC COMPANY

MERALCO

NATIONAL POWER CORPORATION

OMNIBUS ORDER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with