^

Metro

Pulis patay, NBI agent sugatan sa shootout

-
Isang tauhan ng pulisya ang iniulat na nasawi, samantalang malubha namang nasugatan ang isang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) matapos na magtalo dahil lamang sa iisang babae.

Nakilala ang nasawing pulis na si PO1 Nestor Bontigao, nakatalaga sa National Capital Region Police Office (NCRPO), habang sugatan naman si Rodrigo Bange, NBI agent, bunga ng tinamong tama ng bala sa likurang bahagi ng katawan.

Samantala, nakilala naman ang sikyu na siyang bumaril sa NBI agent na si Larry Vicente, 34, nakadestino sa Paco Park Cemetery. Ito ay kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya.

Base sa inisyal na imbestigasyon na isinagawa ni SPO1 Raul Olivario ng WPD-Homicide Division, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling araw sa harap ng Paco Park Cemetery sa Gen. Luna St., Ermita, Manila na doon nag-uusap sina PO1 Bontigao at ang sikyu na si Vicente.

Bigla umanong huminto sa kanilang harapan ang isang pick-up van at bumaba mula dito sina Bange kasama ang girlfriend nito na nakilala lamang sa pangalang Beth.

Galit umanong kinompronta ni Bange si Bontigao tungkol sa ginagawa nitong pagte-text sa kanyang siyota.

Inamin naman ito ni Botingao kasabay pa ng pagsasabing, si Beth pa umano ang nagbigay ng numero sa kanya.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa hanggang sa biglang bumunot ng baril ang NBI agent at binaril ang pulis, nagulat naman si Vicente sa nasaksihang barilan at sa takot na siya ang isunod na balingan ay pinaputukan niya si Bange na ikinasugat nito.

Kapwa dinala sa pagamutan ang pulis at ang NBI agent subalit sinawimpalad na masawi si Bontigao.(Ulat ni Grace dela Cruz)

vuukle comment

BONTIGAO

HOMICIDE DIVISION

LARRY VICENTE

LUNA ST.

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NESTOR BONTIGAO

PACO PARK CEMETERY

RAUL OLIVARIO

RODRIGO BANGE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with