^

Metro

Dress code sa PNP, ipapatupad

-
Pikon na ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa mga matitigas ang ulo na mga pulis na hindi nag-uuniporme kung kaya’t isang kautusan ang kanilang inilabas na dito mahigpit na ipapatupad ang dress code sa lahat ng opisyal at tauhan ng pulisya.

Kabilang dito ang pagbabawal sa pagsusuot ng pantalong maong habang naka-duty.

Sinabi kahapon ni Director Virtus Gil, chief ng Directorate for Personnel and Records Management (DPRM) na ang naturang direktiba ay ukol sa tamang uniporme na isusuot ng mga opisyal at tauhan ng PNP.

Papatawan umano ng kaukulang kaparusahang administratibo ang sinumang pulis na lalabag sa naturang direktiba lalo na ang mga hepe ng istasyon na kukunsinti sa kanilang mga tauhan na nagpapapangit ng kanilang imahe sa masamang kasuotan.

Para sa mga star rank officers (generals), sinabi ni Gil na isusuot ng mga ito ang star blue uniform tuwing Lunes sa flag raising ceremonies.

Tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, lahat ng uniformed personnel ay magsusuot ng General Office Attire (GOA) na walang necktie. Ang GOA na may necktie ay isusuot tuwing flag raising at retreat ceremonies at tuwing may okasyon.

Kada Martes at Huwebes naman ay inaatasan ang lahat ng uniformed personnel na magsuot ng civilian attire, ito ay kinabibilangan ng Barong Tagalog, long sleeves na may necktie.

Para sa mga babaeng pulis ay ipapatupad ang pagsusuot ng palda sa halip na pantalon maliban sa mga kasapi sa civil disturbance management duty. (Ulat ni Danilo Garcia)

BARONG TAGALOG

BIYERNES

DANILO GARCIA

DIRECTOR VIRTUS GIL

GENERAL OFFICE ATTIRE

KADA MARTES

PERSONNEL AND RECORDS MANAGEMENT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

TUWING LUNES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with