Bitay hatol sa biyudong humalay sa 3 anak
August 7, 2002 | 12:00am
Matapos ang mahigit sa isang buwang paglilitis, parusang kamatayan ang ibinabang hatol ng Makati Regional Trial Court (RTC) sa isang 56-anyos na biyudo na humalay sa tatlo niyang anak sa magkakahiwalay na insidente kabilang ang isang mentally-retarded noong buwan ng Hunyo ng taong kasalukuyan sa nabanggit na lungsod.
Base sa pitong pahinang desisyon na iginawad ni Judge Sixto Marella, ng Branch 138 ng Makati RTC parusang bitay ang ibinigay nito sa akusadong si Arsenio Mangaong, ng Agoho St., Barangay Comembo ng nabanggit na lungsod.
Sa rekord ng korte, nabatid na hinalay ng akusado ang kanyang anak na may sakit sa pag-iisip na itinago sa pangalang Liza, 20, noong Hunyo 22, dakong alas-11 ng gabi sa loob ng kanilang bahay.
Pinabulaanan naman ng akusado ang bintang, subalit lalo pa itong nadiin sa korte nang tumestigo ang anak niyang panganay na itinago sa pangalang Nita, 26, na nagsabing 14-anyos pa lamang siya ay hinalay na rin siya ng kanilang sariling ama. Ito umano ay naulit noong siya ay 19-anyos na.
Isinalaysay pa nito na bukod sa kanya, ang kapatid nilang 8-anyos ay hinalay rin ng rapist na ama.
Ang ganitong matitibay na pahayag ang lalong nakapagpabilis sa paglilitis ng kaso at ipinataw dito ang parusang kamatayan.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended