^

Metro

3 tiklo sa pekeng US dollar

-
Nabuwag ng pinagsanib na puwersa ng NBI at Bangko Sentral ng Pilipinas ang isang sindikatong pinaniniwalaang nagkakalat ng mga pekeng bilyun-bilyong U.S dollar kasabay nang pag-aresto sa umano’y lider at dalawang galamay nito sa isinagawang operasyon kahapon.

Ayon kay NBI director Reynaldo Wycoco ang operasyon ay nagresulta rin sa pagkasamsam sa maraming pekeng US dollar.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Rustico Cabillar, 45,; Marnelli Pepino, 22 at Jose Rogando, 43, sinasabing lider ng grupo.

Base sa imbestigasyon, ang tatlo ay dinakip sa isinagawang magkakahiwalay na operasyon.

Nakuha mula sa mga suspect ang may ilang libong pekeng US$ 100 bills, ilan pang printing equipment at printing paraphernalias.

Sa kasalukuyan ang mga nadakip ay nakapiit sa NBI detention cell at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Ulat ni Grace dela Cruz)

AYON

BANGKO SENTRAL

CRUZ

JOSE ROGANDO

MARNELLI PEPINO

NABUWAG

NAKILALA

NAKUHA

REYNALDO WYCOCO

RUSTICO CABILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with