^

Metro

Dalagita minolestiya ng stepfather, tiyo at lolo

-
Natapos na rin ang kalbaryo ng isang 13-anyos na dalagita mula sa kamay ng mapagsamantala niyang lolo at tiyo makaraang tuluyan na niyang ipakulong ito, kahapon sa Quezon City.

Umiiyak na nagreklamo sa pulisya ang biktimang itinago sa pangalang Mae nang ilahad ang ginagawang pambababoy sa kanya ng kanyang lolo na nakilalang si Alfredo Buenaventura Sr., 61, at tiyo na si Alfredo Buenaventura Jr. ng Bago Bantay, Quezon City.

Inilahad din ng biktima na bago ang kanyang lolo at tiyo ay ganito ring kababuyan ang dinanas niya sa kamay ng kanyang stepfather na si Alfredo Manawang noong 12-anyos pa lamang siya.

Nang malaman umano ng kanyang ina ang ginagawa sa kanya ng kanyang ama-amahan ay inilipat siya ng bahay sa pagkalinga ng kanyang tiyo na si Alfredo Buenaventura Jr. sa Project 8, Quezon City.

Akala niya ay ligtas na siya dito, subalit mismong ang kanyang tiyo ang gumawa sa kanya ng kahalayan, doon din umano nakatira ang kanyang lolo na si Alfredo Sr., na nagmolestiya rin sa kanya.

Dahil sa sobrang pagkaawa sa sarili ay nagpasya ang dalagita na magsumbong sa mga awtoridad at ipinaaresto ang kanyang lolo at tiyo.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang stepfather nitong si Manawang. (Ulat ni Angie dela Cruz)

vuukle comment

ALFREDO BUENAVENTURA JR.

ALFREDO BUENAVENTURA SR.

ALFREDO MANAWANG

ALFREDO SR.

ANGIE

BAGO BANTAY

CRUZ

DAHIL

KANYANG

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with