Ang apat na suspect na iniharap kahapon kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo sa Malacañang ay nakilalang sina Joseph Randy Mendoza, 32, sinasabing lider ng gang; Nelson Pilar, 39, driver ng biktima; Maria Victoria Acuatin, 38, caretaker sa safehouse ng mga suspect at Angelito Mortega, 31.
Apat pang kasamahan ng grupo ang pinaghahanap ng mga awtoridad.
Si Kathleen kasama ang kanyang driver na si Pilar ay binihag ng grupo noong nakalipas na Hulyo 23 at pinalaya lamang noong Hulyo 30 pagkaraan ng may isang linggo matapos na magbayad ng ransom na hindi binanggit kung magkano.
Bukod sa ransom, humingi din ang mga suspect sa pamilya ng biktima ng deed of sale sa Honda Accord na kinalululanan ng biktima nang dukutin ito.
Ang pag-aresto sa mga suspect ay isinagawa makaraang mapalaya si Kathleen na nagbigay ng detalye sa anyo ng mga kumidnap sa kanya.
Natunton ng mga awtoridad ang safehouse ng mga suspect sa Imus, Cavite. Nasamsam sa grupo ang cash na nagkakahalaga ng P47,000 na pinaniniwalaang bahagi ng ransom, dalawang cellphone, pitong ATM cards at mga baril at bala.(Ulat ni Lilia Tolentino)