^

Metro

Snatcher na anak ipinakulong ng ama

-
Hindi nagdalawang isip ang isang ama na isuko sa mga awtoridad ang kanyang 16-anyos na anak matapos na madiskubreng nang-snatch ng bag sa Pasig City.

Kinilala ang isinukong snatcher na si Paulino Quijano, ng Kapasigan, Pasig.

Ito ay isinuko mismo ng kanyang ama na nakilalang si Mang Boy dahil hindi umano niya makokonsensiya na kunsintihin ang maling gawain ng kanyang anak.

Ayon kay Mang Boy masakit man sa kanyang loob ay isinuko niya sa batas ang kanyang anak para panagutan ang kasalanan.

Kung hindi umano niya ito gagawin ay baka lalo lamang malulong at mapahamak ang kanyang anak.

Base sa ulat, dakong alas-8 ng gabi habang naglalakad ang biktimang si Annaliza de Leon, sa nabanggit na lugar nang biglang hablutin ng suspect ang dala-dala nitong bag at saka kumaripas ng takbo. Ang bag ay nagawang itago ng suspect sa kanilang bahay na iyon naman ay nakita ng kanyang ama. (Ulat ni Joy Cantos)

ANNALIZA

AYON

JOY CANTOS

KANYANG

KAPASIGAN

KINILALA

MANG BOY

PASIG CITY

PAULINO QUIJANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with