Strunk, Medel sinubpoena na ng DOJ
August 2, 2002 | 12:00am
Itinakda ng mga prosecutors na nagsisiyasat sa pagkamatay ng aktres na si Nida Blanca ang unang pagdinig sa kasong parricide laban sa Amerikanong asawa nito na si Rod Lauren Strunk at sa killer na si Philip Medel Jr. sa darating na Agosto 12, ng taong kasalukuyan.
Ayon kay Senior State Prosecutor Archimedes Manabat, head ng three-man panel na dahil dito isu-subpoena na nila si Strunk sa pamamagitan ng mga abogado nito sa Siguion Reyna Law Office at 15 pa.
Ilan dito ay ang security guards ng Atlanta Centre Building na sina Ricky Alvarez, Roberto Canete at Diolito Molines, na nahaharap sa kasong obstruction of justice, gayundin ang ilang testigo sa kaso.
Ang pagdinig sa darating na Agosto 12, ay isasagawa dakong alas-9:30 ng umaga sa DOJ Multi-Purpose Hall na pangangasiwaan ni Manabat at kasamahan nitong investigating prosecutors na si Aida Macapagal at Mark Jalandoni.
Gayunman, sinabi pa nito na ang testimonya ng mga bagong testigo, kabilang sina dating police Major Pedro Pates at Nilo Gonzaga ay hindi pa naisusumite sa kanila. (Ulat ni Delon Porcalla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 21, 2025 - 12:00am