^

Metro

5 TF Jericho na dinakip ng WPD inaarbor ng retiradong heneral

-
Pilit na inaarbor umano ng isang retired general ang limang miyembro ng Task Force Jericho ng DILG na inaresto ng mga tauhan ng Western Police District-General Assignment Section (WPD-GAS) bunsod ng reklamong extortion-robbery at kidnapping sa dalawang dalaga na kapwa empleyado ng isang Off-Track Betting (OTB) station sa Sta. Ana, Manila noong Linggo ng gabi.

Nabatid na nagtungo si Ret. Gen. Steve Cudal na siyang umaaktong abogado ng mga suspect kamakalawa ng hapon at pilit na umanong kinakausap si GAS chief Col. Marcelino Pedrozo na ipaubaya na lamang ang suspect na naaresto.

Matatandaan na ang mga suspect ay kinabibilangan nina SPO2 Jesus Acejo, PO2 Ricardo Luciano, PO1s Manoliti Prado, Fred Paraon at Danilo Hamilla ay pormal na sinampahan ng kaso kamakalawa ng hapon sa Manila Prosecutor’s Office ng kasong extortion with robbery at kidnapping.

Nabatid na ilang oras bago tuluyang dinala sa Manila City Hall ang mga suspect para kasuhan ay pilit umanong nakikipag-argumento si Cudal na dapat na ipaubaya na lamang sa kanya ang mga suspect at huwag nang kasuhan dahil wala naman umanong ebidensya na magdidiin sa mga ito.

Ikinatwiran umano ni Cudal na nawala ang marked money na ibinigay umano ng isang testigo na nagngangalang Evengeline Lim kay Hamilla.

Dahil dito ay nagpahayag pa umano si Cudal na kakasuhan ng DILG ng obstruction of justice ang GAS dahil sa ginawa nitong pag-aresto sa miyembro ng Task Force Jericho. (Ulat ni Andi Garcia)

ANDI GARCIA

CUDAL

DANILO HAMILLA

EVENGELINE LIM

FRED PARAON

JESUS ACEJO

MANILA CITY HALL

MANILA PROSECUTOR

MANOLITI PRADO

TASK FORCE JERICHO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with