Japanese engineer naglaslas ng pulso saka tumalon mula sa 10 floor
July 31, 2002 | 12:00am
Naglaslas muna ng pulso bago tumalon mula sa ika-sampung palapag ng tinutuluyan nitong condominium ang isang Hapones, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.
Sabog ang bungo at kumalat ang utak ng biktimang nakilalang si Jimichi Akamine, 36, tubong Kyoshu, Japan at empleyado bilang engineer sa C&E Corporation na matatagpuan sa kahabaan ng Meralco Avenue cor. Araneta St., Pasig City.
Ayon kay SPO3 Guillermo Boy, may hawak ng kaso, naganap ang pagpapatiwakal ng naturang dayuhan dakong alas-6:50 ng umaga sa tinutuluyan nitong Unit 1003 sa 10th floor ng Wack Wack Condominium sa Wack Wack Road, Mandaluyong City.
Base sa testimonya ng sikyu na nakilalang si Remigio Relente, nakarinig siya ng malakas na kalabog sa parking area ng nasabing condominium at nang ito ay kanyang tingnan ay nakita niya ang nakadapa at duguang dayuhan sa may driveway. Bukod sa lasog ang katawan nito ay nagkalat pa sa lapag ang utak dahil na rin sa malakas na lagapak.
Base sa pahayag ni Roxanne Funelas, 23, katulong ng nasawi na nang magising siya ay hinanap niya ang kutsilyo na gagamitin niya sa pagluluto ng almusal ng kanyang amo. Nakita niya ang kutsilyo na nasa banyo at may marka ng dugo.
Sinabi naman ni Tokuji Okamoto, 31, tubong Kawasaki, Japan, kaibigan at kasamahang empleyado ng nasawi na bago ito ay nakarinig siya ng malakas na kalabog sa silid ni Akamine.
Si Akamine ay huling nakitang buhay dakong alas-3 ng madaling araw matapos itong katukin sa kuwarto ni Okamoto. Ilang sandali pa umano itong nakipagkuwentuhan sa kanya.
Narekober sa tabi ng nasawi ang larawan ng isang babae at batang lalaki na hinihinalang ang asawa at anak nitong Thailander na kapwa nasa Thailand.
Si Akamine ay may malalim na laslas sa kaliwang pulso bago ito tuluyang tumalon buhat sa ika-10 palapag.
Binanggit pa na ilang araw ng hindi pumapasok sa trabaho si Akamine kung saan ay palagi itong malungkot at may malalim na iniisip.
Natagpuan din sa silid ng nasawi ang ilang suicide notes na iniwan nito para sa kanyang mga magulang, sa pinapasukan niyang kompanya at para sa isang nagngangalang Oi na di mabatid kung ito ang asawa niya.
Gayunman, patuloy ang pagsisiyasat ng pulisya para matiyak na walang naganap na foul play sa insidente. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended