5 miyembro ng TF Jericho timbog sa pangongotong
July 30, 2002 | 12:00am
Limang miyembro ng Task Force Jericho ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang dinakip ng mga tauhan ng Western Police District (WPD) makaraang dukutin ang dalawang babae sa Sta. Ana, Manila, kamakalawa at tangkang hingan ng halagang P10,000 para sa kanilang kalayaan.
Nakilala ang mga nadakip na sina SPO1 Jesus Acejo, PO1s Danilo Hamila, Ricardo Luciano, Fred Faraon at Manolito Prado.
Ang mga nabanggit na pulis ay itinuturong dumukot kina Michelle Delmundo, 22, ng 3505 Paraiso St., Sta Mesa, Mla. at Rosemarie Martinez, 20, ng Road 10 Mindoro St., Sampaloc, Manila.
Ayon sa ulat, bago ang isinagawang pag-aresto sa lima, nagharap ng reklamo sa WPD ang ama ni Delmundo na si PO3 Bonifacio Abad at pinsang si Evangeline Lim laban sa isang PO2 Ferdinand Sulpicio at ilan pa nitong kasamahan na pawang nakadestino sa DILG TF Jericho.
Sinabi ni Evangeline na tumawag sa kanya si Sulpicio at ipinaalam ang ginawa nilang pag-aresto kina Delmundo at Martinez dahil umano sa pag-ooperate ng bookies sa may San Andres Bukid sa Manila.
Imbes na dalhin ng mga pulis sa headquarters dinala ang dalawang babae sa Iridium St. sa Sta. Ana, Manila na napag-alamang bahay ng pulis na si Acejo.
Binanggit pa ni Evangeline na ipinaalam sa kanila ni Sulpicio sa pamamagitan ng text message ang paghingi nila ng halagang P10,000 kapalit ng kalayaan ng dalawang babae at ang pera ay kailangang maibigay bago matapos ang karera ng kabayo kamakalawa ganap na alas-10 ng gabi.
Dahil dito, isinagawa ang entrapment operation laban sa mga pulis at doon timbog ang mga ito sa aktong tinatanggap ang P10,000 cash sa kaanak ng kanilang dinukot.
Gayunman, sinabi ni Supt. Marcelino Pedrozo, ng WPD-GAS na hindi narekober ang marked money na sinasabing agad na naipasa ng isa sa mga suspect.
Magugunitang ang TF Jericho ay nakilala sa paghuli sa kanilang mga kabaro na nangongotong sa mga sibilyan. (Ulat ni Mike Frialde)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am