PAF captain nakuhaan ng 4 pekeng gold bars
July 29, 2002 | 12:00am
Isang nagpakilalang kapitan ng Philippine Airforce ang nadakip ng pulisya matapos makumpiska dito ang apat na bar na pekeng ginto habang sinisita sa illegal na paggamit ng sirena kamakalawa ng gabi sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si PAF Captain John Roy Vincent Tenorio, 30, may asawa, nakatira sa #35 Bagong Bantay, Quezon City.
Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Carlos Serrano, ng General Assignment Section (GAS), Makati City Police, naganap ang insidente, dakong alas-11:25 kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Makati Avenue at Gil Puyat.
Nabatid na habang minamaneho ni Tenorio ang kanyang kulay silver na Toyota Corolla, na may plakang VVR-852 at binabagtas ang naturang lugar, biglang sinita ito ng nagpapatrulyang mobile. Dahil sa paglabag sa Presidential Decree 90, illegal use of siren.
Habang ini-inspection ng mga kagawad ng Makati City Police ang sasakyan ni Tenorio, nakita nila ang apat na bar na ginto na pawang mga peke.
Kaagad na dinakip ng mga pulis si Tenorio at bukod sa apat na pekeng gold bars, nakumpiska dito ang isang kalibre 45 pistol, 3 magazine ng bala, 24 pirasong bala ng kalibre 45, 2 identification card ng PAF at Philippine Army, 1 aluminum foil at cash na P62,000 na nasa ibat ibang denomination.
Sa ngayon ay nasa custody ng pulisya ang naturang suspek at ito ay isinasailalim sa masusing imbestigasyon. (Ulat ni Lordeth B. Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended