Misyonaryong ama, inaresto sa panghahalay sa anak
July 28, 2002 | 12:00am
Isang misyonaryong ama ang inaresto kahapon ng mga kagawad ng Caloocan Police Station matapos itong ireklamo ng panggagahasa ng 12-anyos niyang anak na babae.
Ang suspect na nakapiit ngayon sa selda ng Caloocan City police ay kinilalang si Ronaldo Modesto, 33, isang missionary volunteer ng Missionary Charity sa Tayuman, Tondo, Manila at residente ng 1218 Area 1, Sawata St., Maypajo, Caloocan City.
Ayon kay imbestigador PO2 Nicah Belo, ginahasa ng suspect ang kanyang anak na si Rhory (di-tunay na pangalan) noong Hulyo 24, 2002 dakong alas-9 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar.
Natuklasan lamang ang kahayukan ng suspect nang magtapat si Rhory sa kanyang kaibigan na gusto na nitong maglayas dahil sa ginagawang pambababoy sa kanya ng sarili nitong ama.
Dahil dito, agad na nagsumbong ang kanyang kaibigan sa ina ng biktima na naging dahilan upang ipaaresto ang suspect.
Nabatid na limang taon pa lamang ang biktima ay hinihipuan na ito ng kanyang ama kung saan sinasabing ang suspect ay minsan nang ipinasok sa isang drug rehabilitation center dahil sa pagiging sugapa nito sa ipinagbabawal na gamot. (Ulat ni Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am