Artificial sweeteners, ipagbabawal
July 28, 2002 | 12:00am
Dahil sa masamang idinudulot ng mga artificial sweeteners o sugar substitutes na nagtataglay ng aspartame sa katawan ng tao, ipinanukala kahapon ng isang mambabatas ang pagbabawal nito.
Ayon kay Syjuco sa kanyang HB 5029, ang aspartame ay kinukonsiderang pinakamapanganib na substance na nagdudulot ng masamang epekto sa katawan.
Nakasaad pa sa panukala ang pagbabawal sa paggamit ng aspartame sa pagkain, inumin at drugs, gayundin ang pag-aalis sa mga pamilihan ng mga pagkaing naglalaman ng aspartame-containing artificial sweeteners.
Ang aspartame, ani Syjuco ay nagtataglay ng kemikal tulad ng aspartic acid, phenylalanine at methanol na siyang nagbibigay ng 75% masamang epekto sa katawan ng tao batay na rin sa naiulat sa United States Food and Drugs Administration.
Batay sa February 1994 report ng Department of Health and Human Services, kabilang sa mga masamang epekto o reaksyon ng katawan sa naturang additives ay seizures at kamatayan.
Kabilang aniya sa 90 dokumentadong sintomas na sanhi ng aspartame ay sakit ng ulo, pagkahilo, nausea, numbness, muscle spasms, weight gain, rashes, depression, fatigue, irritability, tachycardia, insomnia, vision problems, hearing loss, heart palpitations, breathing difficulties, anxiety attacks, slurred speech, loss of taste, tinnitus, vertigo, memory loss at joints pain. (Ulat ni Malou Rongalerios-Escudero)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended