Ito ang nabatid kahapon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos bisitahin ni Chairman Bayani Fernando ang mga pumping station sa lugar ng Makati at Pasay City.
Ayon sa MMDA, anim hanggang 15 trak na basura ang nahahakot kada araw sa mga pumping station sa ilang lugar sa Metro Manila, na sumisira sa flood control pumps na sumisipsip sa tubig-baha tuwing tag-ulan.
Pinag-aaralan ngayon ng MMDA, kung paano papatawan ng mabigat na parusa ang mga residenteng nagtatapon ng basura sa mga estero na nagiging dahilan nang pagbaha sa Metro Manila.
Pagtutuunan din ng pansin ng ahensiya na maresolbahan ang illegal squatting sa tabi ng creek at ilog, na sanhi ng paglala ng krisis sa basura. (Ulat ni Lordeth Bonilla)