^

Metro

15 trak ng basura ang nakukuha sa mga estero ng MM kada-araw

-
Patuloy na makakaranas ng suliranin sa pagbaha ang mga residente sa Metro Manila sa tuwing mananalanta ang malakas na pag-ulan, ito ay dahil na rin sa 15 trak ng basura ang nahahakot mula sa mga estero kada araw na siyang dahilan ng pagbabara at pagtaas ng tubig sa buong metropolis.

Ito ang nabatid kahapon sa Metro Manila Development Authority (MMDA) matapos bisitahin ni Chairman Bayani Fernando ang mga pumping station sa lugar ng Makati at Pasay City.

Ayon sa MMDA, anim hanggang 15 trak na basura ang nahahakot kada araw sa mga pumping station sa ilang lugar sa Metro Manila, na sumisira sa flood control pumps na sumisipsip sa tubig-baha tuwing tag-ulan.

Pinag-aaralan ngayon ng MMDA, kung paano papatawan ng mabigat na parusa ang mga residenteng nagtatapon ng basura sa mga estero na nagiging dahilan nang pagbaha sa Metro Manila.

Pagtutuunan din ng pansin ng ahensiya na maresolbahan ang illegal squatting sa tabi ng creek at ilog, na sanhi ng paglala ng krisis sa basura. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AYON

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

LORDETH BONILLA

MAKATI

METRO MANILA

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PAGTUTUUNAN

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with